Skip to main content

Ika-17 Taunang Pagtatapos at Paglilipat Antas (Bagong Silang ES)

Dumalo sina Konsehal Ape Reyes, Konsehal Rai Rai Villanueva, at Brgy. Tabacao SK Chairman Alliah Garingo bilang kinatawan nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez, kasama si TWD Board of Director Atong Palilio sa ginanap na Ika-17 Taunang Pagtatapos at Paglilipat Antas ng Bagong Silang Elementary School ngayong araw ng Miyerkules, ika-29 ng Mayo 2024. Dumalo din sa programa si Talavera North District Supervisor Ma’am Marilou Buenaventura at si Arch. Edwardson F. Nicolas bilang guest speaker.
Binabati at pinapupurihan namin ang inyong tagumpay! Isang karangalan sa ating bayan ang inyong mga nakamit. Patuloy ninyong samahan ang pamahalaan sa pagtahak sa inyong mga pangarap. ❤️
#MayorJRSantos
#VMNeriviSantosMartinez
#SerbisyongDiretsoSaTao
#TatakJRVi #LingapAtMalasakit

Official Website Talavera Municipality