Skip to main content

Ika-6 Taunang Pagtatapos (Mamandil Elementary School)

Ngayong araw ng Biyernes, ika-31 ng Mayo 2024, dumalo si Konsehal Rai Rai Villanueva bilang kinatawan nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez sa ginanap na Ika-6 Taunang Pagtatapos ng Mamandil Elementary School. Dumalo din sa programa si Caputican ES School Principal Noel F. Bulanadi bilang kinatawan ni Talavera South District Supervisor Mr. Apollo A. Lactao at si Jobelle V. Balmater bilang guest speaker.
Binabati at pinapupurihan namin ang inyong tagumpay! Isang karangalan sa ating bayan ang inyong mga nakamit. Patuloy ninyong samahan ang pamahalaan sa pagtahak sa inyong mga pangarap. ❤️
#MayorJRSantos
#VMNeriviSantosMartinez
#SerbisyongDiretsoSaTao
#TatakJRVi
#LingapAtMalasakit

Official Website Talavera Municipality