Skip to main content

Ika-70 ng Araw ng Pagtatapos San Pascual Integrated School 2024

Ngayong araw ng Miyerkules, ika-29 ng Mayo 2024, sa pagbibigay-pugay sa mga mag-aaral na nagtapos ngayong taon, dumalo sina Konsehal Ape Reyes at Konsehal Rai Rai Villanueva. at Brgy. Tabacao SK Chairman Alliah Garingo bilang kinatawan nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez, sa ginanap na Ika-70 na Taon ng Araw ng Pagtatapos 2024 ng San Pascual Integrated School. Dumalo din sa programa si Talavera North District Supervisor Ma’am Marilou Buenaventura at si Atty. Ma.Rio D. Ignacio bilang guest speaker.
Binabati at pinapupurihan namin ang inyong tagumpay! Isang karangalan sa ating bayan ang inyong mga nakamit. Patuloy ninyong samahan ang pamahalaan sa pagtahak sa inyong mga pangarap para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating Bayan. ❤️
#MayorJRSantos
#VMNeriviSantosMartinez
#SerbisyongDiretsoSaTao
#TatakJRVi
#LingapAtMalasakit

Official Website Talavera Municipality