
Inauguration of the DSWD Talavera Satellite Office
Para mailapit ang mga programa at serbisyo ng DSWD sa ating Bayan, pormal na binuksan nina Mayor JR Santos at VM Nerivi S. Martinez ang DSWD Satellite Office.
Kasama si Assistant Regional Director of DSWD Field Office III – Central Luzon, ARD Maribel Blanco bilang kinatawan ni Dir. Venus F. Rebuldela sa Blessing at Inauguration ng nasabing opisina. Dumalo rin sa programa sina Konsehal Rafael “Ape” Reyes, Konsehal Erwin Chioco, Kapitan Virgilio Tayao, MSWDO Ma. Theressa Florencondia at Ginoong Atong Palilio.
Sa pagkakaroon ng DSWD Satellite Office sa ating bayan, hindi na mahihirapan ang ating mga kababayan at ang iba pang karatig-bayan upang makahingi ng tulong at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.