
Kinalanguyan Elem. School 1 Classroom Inauguration Ceremony
Isang bagong silid-aralan sa Kinalanguyan Elementary School ang pinasinayaan sa Barangay Kinalanguyan.
Ang proyektong ito ay binuo upang tugunan ang pangangailangan ng paaralan na magkaroon ng dagdag na silid-aralan para sa kanilang mga mag-aaral.
Ngayong araw, September 14, 2023 ay pinasinayaan ito nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez kasama sina Konsehal Nel Rayo, Konsehal Rafael “Ape” Reyes, Talavera South SDS Mr. Apollo A. Lactoa, kapitan Ariel Delos Ama at mga Punong Guro. Sa pagkakaroon ng isang karagdagang silid-aralan, inaasahang mapapabuti ang kapasidad ng paaralang maipagkakasya ang bilang ng mga estudyante at magkakaroon ng mas maayos na pagkakataon para sa pag-aaral.
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi