Skip to main content

Labor Education for Graduating Students (LEGS, PEOS)

Sumailalim sa isang orientation ang mga mag-aaral na magsisipagtapos mula sa ating Kolehiyo ng Bayan (NEUST – MGT) na nakatakdang maging bahagi ng labor force sa pamamagitan ng Labor Education for Graduating Students (LEGS)/Pre-Employment Orientation ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipag tulungan ng Pamahalaang Lokal ng Talavera at PESO Talavera.
Layon nitong ihanda ang mga mag-aaral sa pagtatrabaho at makatulong na maging pamilyar ang mga estudyante sa mga serbisyo ng DOLE pagdating sa facilitation, proteksyon at karapatan ng mga manggagawa, at maging sa social security coverage ng mga empleyado. Nagsagawa din ng orientation patungkol sa RA 11261 o First Time Jobseekers Assistance Act.
Dumalo at nakiisa sa programa si Konsehal Rai Rai Villanueva bilang kinatawan nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez, kasama sina NEUST-MGT School Administrator Marciana Soriano, Senior LEO (PESO Manager Designated) Kevin Y. Tolentino, Provincial PESO Manager & NEFPMI President Ms. Maria Luisa R. Pangilinan, Provincial Director-DOLE-Nueva Ecija Field Office Ms. Maylene L. Evangelista, Senior LEO/Resource Speaker-LEGS Dr. Rosario R. Campos at Supervising Administrative Officer/Resource Speaker-PEOS Dr. Shirley R. Pajarillo.
#MayorJRSantos #VMNeriviSantosMartinez
#SerbisyongDiretsoSaTao
#TatakJRVi #LingapAtMalasakit

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality