
Labor Education for Graduating Students (LEGS)
Sumailalim sa isang orientation ang mga mag-aaral na magsisipagtapos mula sa ating Kolehiyo ng Bayan (NEUST – MGT) at St. Elizabeth Global Institute, Inc. (SET) na nakatakdang maging bahagi ng labor force sa pamamagitan ng Labor Education for Graduating Students (LEGS) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Layon nitong ihanda ang mga mag-aaral sa mundo ng trabaho at makatulong na maging pamilyar ang mga estudyante sa mga serbisyo ng DOLE pagdating sa facilitation, proteksyon at karapatan ng mga manggagawa, at maging sa social security coverage ng mga empleyado.
Dumalo at nakiisa sa programa sina Mayor Nerivi Santos-Martinez, LNB Pres. JR Santos, NEUST-MGT School Administrator Marciana Soriano, Talavera PESO Manager Jose Emana, Kon. Rai Rai Villanueva, Kon. Nel Rayo, Nueva Ecija Provincial PESO Manager Ma. Louisa Pangilinan, at kinatawan ng DOLE na si Mr. Jomel Yabut.