Skip to main content

LAG Payout

Sa ilalim ng programang Livelihood Assistance Grant (LAG), tumanggap ang 160 nating mga kababayan ng tig-5,000 pisong ayudang pangkabuhayan. Malaking bahagi ng programa ang pagpopondo rito ng Office of the President of the Philippines sa tulong ni Senator Bong Go, maayos na pagpapatupad ng DSWD Region 3, at suporta ni Mayor Nerivi Santos Martinez.
Ngayong panahon ng pandemya, malaking tulong ang ayuda upang magkaroon ng pagkukuhanan ng pagkakakitaan ang ating mga kababayan lalo pa at ang kanilang kabuhayan ang isa sa pinamalaking naapektuhan ng community quarantine sa bansa.
Naging bahagi ng programa ang mga kinatawan ng Office of the President of the Philippines na sina Ms. Jane Cruz, Mr. Reynan Caparas, at Mr. Thirdy Lelis, mga kinatawan ng Opisina ni Senator Bong Go na sina Mr. Leo Palo III, Ms. Meg Lopez, at Mr. Juliboy Delda, at mga bisita mula sa DSWD-SLP na sina PDO II Jen Rapir, PDO II Frank Gregor Velayo, PDO II Jade Elizar Acierto, PDO II Christian Paolo Padolina, PDO II Cedric Aeron Reyes.
Maraming salamat po!
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#LingapJRSANTOS

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality