LGU Funded Social Pension for Senior Citizens

Umabot sa 8,000 na senior citizens ang tumanggap ng kanilang LGU-funded Social Pension mula sa iba’t ibang barangay ng Talavera. Ito ay isa lamang sa marami pang programa ng Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos Martinez para sa ating mga lolo at lola bilang bahagi ng kanilang benepisyo.
Ang programang ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaang bayan sa pagpapalaganap ng kapakanan ng mga senior citizen at pagbibigay sa kanila ng pantay pantay na karapatan at oportunidad.
Nakasama ng ating mga lolo at lola sa pagtanggap ng kanilang pension sa Brgy. Sibul sina Mayor Nerivi Santos Martinez, LNB Pres. JR Santos, Kon. Baby Palilio, Kon. Rai Rai Villanueva, Kon. Joel Del Rosario, Kon. Lito Silva, Kon. Nel Rayo, SK Pres. Ericka Arenas Mendoza, LnB Vice Pres. Erwin Chioco, at SAMAKABA Pres. Kon. Rafael “Ape” Reyes.

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality