Ligtas ang Biik sa Talavera

Bilang pagsuporta sa swine industry sa Bayan ng Talavera at upang maialis ang pangamba ng publiko sa pagtama ng African Swine Fever Virus (ASFV) sa ilang probinsya ng bansa, nagsagawa ng isang awareness campaign ang Pamahalaang Bayan ng Talavera katuwang ang UNAHCO, Inc. (Univet Nutrition and Animal Healthcare Company). Ang programa ay ginanap sa Himnasyo ng Bayan nitong ika-11 ng Setyembre, 2019.

Dinaluhan ito ng mga backyard hog raisers sa bayan, supplier, at ilang kawani ng pamahalaang bayan. Nakiisa sa programa si Mayor Nerivi Santos Martinez na ipinabatid ang kanyang suporta upang matiyak na ligtas sa ASFV ang bayan. Siniguro niya sa mga consumer na malinis ang mga panindang karne ng baboy sa pamilihang bayan at walang sakit ang mga alagang baboy sa Talavera.

Nagpasalamat siya sa suporta ng UNAHCO, Inc. sa pangunguna ni Dr. Bryan Cayadan, Mr. Alexis Bautista, Mr. Serafin Ignacio, Mr. Renan Dela Cruz, Mr. Wednesday San Gabriel, Mr. MJ Alano, Mr. Jayson Tumale  at Ms. Nina Ting ng A-1 Agro Fertilizer & Chemical Supply na katuwang ng pamahalaan sa mga programa para sa bayan.

Ipinaliwanag ni Dr. Bryan sa publiko ang “Biosecurity Measures” o mga paraan upang makaiwas sa sakit ang kanilang mga alagang baboy. Kabilang dito ang regular na pagbabakuna sa kanilang mga alaga, pagbibigay ng tamang bitamina, at pagpapanatili sa kalinisan ng kanilang mga babuyan.

Ayon kay Dr. Editha Salazar, Municipal Veterinarian, nananatiling maigting ang pagbibigay nila ng pahintulot sa pagkatay at pagbiyahe ng mga baboy sa loob at labas ng lalawigan. Dagdag niya, mahigpit na ipinapatupad ang quarantine checkpoints sa mga entry at exit points sa probinsya upang masiguro na hindi makakapasok ang ASFV sa Nueva Ecija.

Sabay sabay na pinagsaluhan ng mga dumalo kabilang si Mayor Nerivi ang isang boodle fight upang ipakita sa taong bayan na ligtas ang pagkain ng karneng baboy sa Talavera, na binasbasan ni Rev. Fr. Aldrin Domingo.

Nakiisa rin sa programa sina Konsehal Angie Soleta, Konsehal Nel Rayo, Liga ng Barangay President JR Santos, at SK Federation President Ericka Clarisse Mendoza.

-MALR

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!