Skip to main content

Linggo ng Magsasaka 2024 (Grand Opening & Float Parade)


Ngayong Araw ng Lunes, ika-13 ng Mayo 2024, naging matagumpay at puno ng kasiyahan ang Grand Opening ng pagdiriwang ng Linggo ng Magsasaka 2024.
Ang nasabing pagdiriwang ay sinimulan ng isang FLOAT PARADE OF HARVESTS, na may temang “Makabagong Pagsasaka Tungo sa Masagana at Maunlad na Pamayanan at Agrikultura”. Ito ay inihanda ng Municipal Agriculture Office at Talavera Tourism Office, kung saan itinampok ang iba’t ibang kaakit-akit na mga Float na likha ng labing dalawang (12) Clustered Barangays ng Talavera. Nakiisa at dumalo sa ginanap na programa sina Mayor JR Santos, Vice Mayor Nerivi S. Martinez, Mun. Admin Nerito L. Santos, Konsehal Aries Lim, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Erwin Chioco, SK Fed. Pres. Amir Ayson, LnB Pres. Kapt. Ben Tiangco, LnB Vice Pres. Kapt. Virgilio Tayao, TWD BOD Atong Palilio, Tabacao SK Chairman Alliah Santos Garingo, Bb. Talavera 2023 Gisella Serrano at PLDT/SMART.
Bukod sa mga floats na nagpapakita ng mga bunga ng kasalukuyang tagumpay at potensyal ng magsasaka, nagkaroon din ng iba’t ibang palabas at pagtatanghal na nagpapakita ng kultura at tradisyon ng Talavera. Sa ganitong paraan, nagkaroon ng buhay at kulay ang pagdiriwang, nagbibigay daan sa pagpapakita ng pagmamalasakit at pagkakaisa ng komunidad ng Talavera sa pagtataguyod ng kanilang pangarap para sa isang progresibong agrikultural na bayan.
Nagdagdag kasiyahan din sa selebrasyon ang mga magagaling na pagtatanghal ng ating mga street dancers, drum beaters mula sa PLDT/SMART, at Gigantes. Kasama din nakiindak at nakisaya ang mga mahuhusay na dance group mula sa NEUST Dance Troupe, Rondalla Talavera National Highschool.
Nagsilbing highlight din ng okasyon ang pagbibigay parangal sa mga pinakamagandang disenyo ng float mula sa mga clustered barangay. Narito ang mga nanalong barangay:
Champion: Cluster 3
– Bagong Sicat
– Pula
– Minabuyok
– Homestead II
1st Place: Cluster 6
– Esguerra Dist.
– Marcos Dist.
– Poblacion Sur
– Maestrang Kikay
2nd Place: Cluster 7
– Pinagpanaan
– Dinarayat
– La Torre
– Bantug
– Mamandil
Lubos ang pasasalamat sa lahat ng tumulong at nagpakita ng suporta sa selebrasyon! Abangan ang mga susunod na kaganapan sa darating na mga araw ng Linggo ng Magsasaka! ❤️
#LinggoNgMagsasaka2024
#MayorJRSantos
#SerbisyongDiretsoSaTao
#TatakJRVi
#LingapAtMalasakit

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality