Skip to main content

Linggo ng Magsasaka 2024 (Zumba Marathon)

Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Magsasaka 2024 sa Bayan ng Talavera, Isang masayang Zumba Marathon ang ginanap ngayong araw ng Martes, Mayo 14, 2024 sa harap ng Munisipyo ng Talavera kasama ang ating mga kababayang kabilang sa iba’t ibang Zumba groups sa Talavera.
Ito ay inorganisa ng Zumba Zisters kasama din sina Zin Jayson, Zin Kath, Coach Jane, at Coach Rose.
Nakilahok sa masayang aktibidad sina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez kasama sina Konsehal Aries Lim, Konsehal Rai Villanueva, Konsehal Rafael “Ape” Reyes, Konsehal Erwin Chioco at LnB Vice Pres. Kapt. Virgilio Tayao.
Kasabay nito ay nagkaroon pa ng masayang at bonggang awarding katulad ng ZUMBA QUEEN and KING, ZUMBA BEST GROUP, ZUMBA GOLD, ZUMBA OUTFIT or COSTUME, ZUMBA TEEN at marami pang iba!
#LinggoNgMagsasaka2024
#MayorJRSantos
#SerbisyongDiretsoSaTao
#TatakJRVi
#LingapAtMalasakit

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality