LNB Emergency Meeting March 18, 2020
Nagpulong ng Inter-agency Task Force Covid19 kasama ang mga punong barangay na pinangunahan nina Admin. Nerito L. Santos, LnB President JR Santos, Konsehal Joel Del Rosario, PLTCOL. Alexie Desamito at mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang bayan. Tinalakay dito ang masusing pagpapatupad ng mga batas at direktiba mula kay presidente Rodrigo Duterte. Ito ay upang mabigyan ng tamang kaligtasan at kalusugan ng mga mamayan. Lahat po ay hinihikayat na makiisa at sumunod para sa kapakanan ng tao at ng bayan. Maraming salamat po!