Skip to main content

Maayos na Daan, Komportableng Mamamayan

Ang bukiring daan na sakop ng Barangay Caaninaplahan at Barangay Mabuhay ay ating pinatambakan ng buhangin upang makadaan ng mas maginhawa at komportable ang mga residente at motorista. Dahil dito, mas lumuwag at umaliwalas ang kahabaan ng daan sa pagitan ng dalawang barangay. Higit ding naging maayos ang lugar na ipinagpasalamat ng kanilang punong barangay, Kap. Wilfredo Dela Cruz at Kap. Ed Angeles.
Personal itong pinuntahan ni Konsehal Ape Reyes at Kapitan Virgilio Tayao ng Brgy. Dimasalang Norte bilang kinatawan ng Pamahalaang Lokal sa pamumuno nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez upang masiguro na matagumpay ang nasabing gawain.
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality