Mag-asawang Atleta ng Pride ng Nueva Ecija, nakapag-uwi ng Gintong Medalya

Nueva Ecija, Philippines – Suportado at ipinagmamalaki ng Bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija, ang mag-asawang nagwagi at nakapag-uwi ng gintong medalya sa ginanap na 30th Sea Games-Archery category.

Binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang mag-asawang atleta na sina Paul Marton Dela Cruz at Rachelle Dela Cruz, ng Barangay San Pascual, Talavera, Nueva Ecija.

Masayang sinabi ni Mayor Nerivi Santos-Martinez, na nagpapasalamat aniya ang Bayan ng Talavera sa laki umano ng ibinigay nilang parangal dito at sa buong bansa. Bibihira umano yung mga ganyang talento ng mga atleta kaya naman sa munting paraan aniya ay nag-effort sila upang ma-recognize yun award na binigay sa kanila.

“Actually, yung archery, talagang eversince yan ay nage-excel ang Talavera National High School, kaya ang municipal government ay full support sa mga archery players ng Talavera National High School, gayundin sa baseball. Kasi yun ang laging nananalo sa Palarong Pambansa”, dagdag pa ni Mayor Nerivi.

“Kaya kami, taon-taon from CLARAA hanggang Palarong Pambansa, even yung mga gamit at allowance nila ay nagbibigay ang Talavera kasi yun yung sport na nage-excel ang bayan ng Talavera”, ayon pa kay Mayor Nerivi.

Elsa R. Navallo

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 - 1316

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!