Maligayang pagdating po sa Bayan ng Talavera, Sen. Risa Hontiveros

Kasabay ng kanyang pagbisita sa Brgy. Pag-asa ang pagbaba ng inilunsad niyang Mobile Health Clinic katuwang ang Bridges of Benevolent Initiative Foundation, Inc. na umiikot sa iba’t ibang panig ng bansa para makapaghandog ng libreng serbisyong medikal sa ating mga kababayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Bukod sa libreng check-up, gamot, X-ray, ultrasound, ECG, at iba pang medical tests, handog ng programang Healthy Pinas sa ating mga kababayan ang libreng diagnostic at medical consultation.
Ngayong panahon ng krisis, malaking tulong ang mga serbisyong ito para sa marami nating kababayan lalo na ang mga nasa malayong barangay.

Maraming salamat po at isa ang aming bayan sa nahatiran nyo ng programang nagbibigay ng malasakit sa komunidad.

Kasamang nakiisa sina Mayor Nerivi Santos-Martinez, Kon. Rai Rai Villanueva, LNB Pres. JR Santos, LNB Vice Pres. Kap. Erwin Chioco, at mga punong barangay ng Talavera.

« of 2 »

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality