Skip to main content

LAG Pay-Out

Sa ilalim ng programang Livelihood Assistance Grant (LAG), tumanggap ang 151 nating mga kababayan ng tig-5,000 pisong ayudang pangkabuhayan. Malaking bahagi ng programa ang pagpopondo rito ng Office of the President of the Philippines sa tulong ni Senator Bong Go, maayos na pagpapatupad ng DSWD Region 3, at suporta ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez.
Malaking tulong ang ayuda upang magkaroon ng pagkukuhanan ng dagdag o panimulang pondo ang ating mga kababayan upang makapagsimula ng kanilang negosyong pangkabuhayan.
Naging bahagi ng programa sina Konsehal Ape Reyes, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Ms. Ma.Theresa Florencondia, at ang mga kinatawan ng DSWD-SLP na si PDO I Christian Cebricus at ang kanilang mga Project Development Officers na sina Jade Elizar Acierto, Brenda Mendoza, Dada Perlas at Irvin John Alamon.
Maraming salamat po!
#LAGPayout
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#NSM #SerbisyongNerivi
#JRVi

 

Official Website Talavera Municipality