Skip to main content

Mass Oath of Newly Elected Barangay Officials 2023

Ngayong araw ng Lunes, ika-20 ng Nobyembre 2023 ay opisyal na idinaos ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na Barangay Officials sa Bayan ng Talavera.
Sinimulan ang programa sa isang panalangin sa pangunguna ni Rev. Fr. Cesar Bactol at ng Pambansang Awit na kinumpasan ni Bb. Maybelline B. Parungao. Sinundan naman ito ng pangbungad na pananalita mula kay DILG LGOO VI Rossella P. Edillor at mensahe ng pagbati mula kay Municipal Administrator Nerito L. Santos. Nagbigay din ng isang mahalagang mensahe ang ating Pangalawang Punong Bayan, Nerivi Santos Martinez.
Pinangunahan ni Mayor JR Santos ang ginanap na panunumpa at sinundan ito ng isang mahalagang mensahe at pagbati para sa mga bagong halal na Barangay Officials.
Dumalo din sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan Konsehal Aries Lim, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Baby Palilio, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Lito Silva, Konsehal Ape Reyes, Konsehal Erwin Chioco, SK Federation President Amir Ayson at sina COMELEC Election Officer IV Jose Ramiscal, Talavera Municipal Jail Warden JCI Christopher Ao-wat, OIC Chief of Police PMAJ Domingo A. Resma Jr, 7th Police Mobile Force Commander PMAJ Bryan Christopher Baybayan, BFP Talavera Chief SINSP Michael Angelo J. Perez, Talavera North District Supervisor Atty. Marilou Buenaventura, Talavera South District Supervisor Sir Apollo Lactao, at Ginoong Atong Palilio.
Kasabay din sa ginanap na programa ang pagbibigay pagkilala sa mga ahensyang naging katuwang ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapanatili ng isang ligtas, payapa at maayos na naging pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Nagtapos ang programa sa isang pangwakas na pananalita mula kay ABC President Roniel Serrano.
Congratulations po sa ating mga bagong halal na Barangay Officials!
#Panunumpa2023 #OathTakingBarangayOfficialsTalavera
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality