Medical Mission Brgy. Tabacao

Ginanap sa Brgy. Tabacao ang unang araw ng Libreng Medical Laboratory at Consultation para sa ating mga kababayan sa Talavera sa pakikipagtulungan ng GP Partylist. Katuwang sa aktibidad na ito ang 1 Life Inc. para makapagbigay ng mga libreng serbisyong pang medikal sa bawat mamamayan.
Dumalo at bumisita sa ginawang medical mission si Mayor Nerivi Santos Martinez kasama sina LnB President JR Santos, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Baby Palilio, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Lito Silva, Konsehal Joel Del Rosario, SK Pres. Ericka Arenas Mendoza, LnB Vice Pres. Kapitan Erwin Chioco, at SAMAKABA Pres. Rafael “Ape” Reyes.
Narito ang schedule at lugar kung saan nakatakdang idaos ang aktibidad sa susunod pang mga araw:
March 22 – Bacal 2 Gym
March 23 – Municipal Gym
March 24 – Sibul Gym
Magkita-kita po tayo para sa libreng serbisyong handog sa mga mamamayan ng Talavera!

« of 2 »

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality