Skip to main content

Memorandum from the Executive Secretary Protocol on the Use of Face Shields


Ang paggamit ng FACE SHIELD sa mga lugar na nasa ilalim ng ALERT LEVELS 1, 2, at 3 ay hindi na kinakailangan, at boluntaryo na lamang maliban sa mga healthcare at quarantine facilities. Ito ay alinsunod sa Memorandum na ibinaba ng Malacañang, at batay na rin sa rekomendasyon ng IATF-EID.
Samantala, mananatili ang pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask kasama na ang pag-obserba sa iba pang minimum health standards upang magtuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa Memorandum, ang pagsusuot ng face shield ay mananatiling mandatory sa iba pang community settings sa ilalim ng Alert Level 5 at granular lockdowns.
Binigyang-laya naman ang mga LGU at pribadong establisyemento sa pagpapatupad nito sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4.
#NSM #SerbisyongNERIVI

Official Website Talavera Municipality