Skip to main content

Memorandum of Understanding NNC- Talavera Nueva Ecija

Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Talavera at National Nutrition Council para sa Tutok Kainan Supplementation Program (TKSP). Kasama ni Mayor Nerivi Santos Martinez ang mga kinatawan ng National Nutrition Council Region 3 na sina Nutrition Officer III Ms. Angelita Pasos, Provincial Nutrition Focal Point Ms. Celestine Joy Membrebe, at Regional Nutrition Program Coordinator Ms. Ana Maria Rosaldo, ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ng Talavera at si Municipal Nutrition Action Officer Arjhay Bernardo.
Layon nitong maibigay ang wasto at naaayon na nutrisyon para sa mga bata at nutritionally at-risk pregnant women. Masisiguro ng pagpapatupad nito ang paghahatid ng mga programang pang nutrisyon para sa kanilang kapakanan lalo na para sa First 1,000 days ng bawat bata sa Talavera.
Kasabay ng programa ay muling iginawad ang pagkilalang tinanggap ng Talavera mula sa National Nutrition Council Region 3 na 2nd Year Maintenance Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Award.
« of 2 »
Official Website Talavera Municipality