Skip to main content

Mga Kawani, Lumahok sa Zumba

Lumahok ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera sa ginanap na Zumba competition na bahagi ng pagdiriwang sa ika-117th Philippine Civil Service Anniversary sa Himnasyo ng Bayan nitong ika-4 ng Setyembre, 2017. Ito ay sa pangunguna ng Human Resource Management Office (HRMO), Mayor’s Office, Budget Office at Public Employment Service Office (PESO).

Ayon kay HRMO head, Chona Salazar, ang kompetisyon ay pagsunod sa direktiba ng Civil Service Commission (CSC) sa pagpapahalaga sa kalusugan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera. Aniya, maswerte ang Talavera dahil sa suporta ni Mayor Nerivi Santos Martinez, naipagdiwang ang anibersaryo na hindi ginagawa ng ibang ahensya ng pamahalaan, kaya’t nagagalak ang komisyon sa pakikiisa ng Talavera sa selebrasyon.

Naging kapanapanabik ang programa sa pagsisimula ng kompetisyon na kinabibilangan ng iba’t ibang grupo na nahahati sa Red team mula sa NEUST-MGT, Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP). Ang Yellow team na binubuo ng Treasurer’s Office, Business Permits and Licensing Office (BPLO), Municipal Civil Registrar (MCR) at Municipal Planning and Development Office (MPDO). Ang Green team na kinabibilangan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Tourism Office, Assessor’s Office at Engineering Office.

Binubuo naman ng Sangguniang Bayan, Accounting Office, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Municipal Agricultural Office ang Blue team. Mula sa Pink team, ang Municipal Health Office (MHO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Cooperative and Entrepreneurship Development Office (MCEDO) at General Services Office (GSO).

Itinanghal na kampeon ang Yellow team matapos ang presentasyon ng bawat grupo habang nakuha naman ng Green team ang pangalawang pwesto. Ang ikatlong pwesto ay nakamit ng Red Team at nakakuha ng consolation prize ang Blue at Pink Team. Tumayo bilang hurado sa kompetisyon sina Mayor Nerivi Santos Martinez, Vice Mayor Anselmo Rodiel III at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Naging masaya at masigla ang araw ng pagdiriwang. Bukod sa nakatulong ito sa kalusugan at talas ng kaisipan ng mga kawani na kinakailangan upang makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mamamayan, tunay na naging makabuluhan ang padiriwang ng anibersaryo at nakapagbigay ng saya sa mga lingkod bayan na katuwang ng pamahalaan sa paghahandog ng tunay na malasakit sa bawat mamamayan.

(MALR)

Official Website Talavera Municipality