Skip to main content

Municipality of Talavera & DSWD MOA Signing

Ngayong ika-25 ng Abril, 2023 ay nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lokal ng Talavera at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office sa pangunguna ni Mayor JR Santos at Regional Director Jonathan V. Dirain para sa mga programang Home Care Support Services para sa ating mga Senior Citizens, E-Careable para sa ating mga Persons with Disabilities (PWD), at Yakap Bayan Program (YBP) para naman sa ating mga Reformed Individuals.
Malaking tulong ang naganap na MOA Signing upang mas lalong mapagtibay ang mga partnership programs sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at DSWD para sa ating mga minamahal na kababayan.
#PartnershipPrograms
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi

Official Website Talavera Municipality