Skip to main content

National Nutrition Awarding Ceremony

Talavera, National Champion sa nutrisyon! Kinilala ng National Nutrition Council ang Bayan ng Talavera sa ikalawang taon nang tanggapin ni Mayor Nerivi Santos-Martinez ang parangal na 2nd Year Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Maintenance Award, kasama si MNAO Arjhay Bernardo.
Sa loob ng maraming taon, pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang determinasyon at kagustuhan nitong mapalakas ang mga programang pang nutrisyon sa bayan at masiguro ang pagpapatuloy ng mga programang ito sa susunod pang mga taon. Kasama ang Municipal Nutrition Council ng Talavera sa pagtiyak na ang mga ipinatutupad na programa para sa nutrisyon ay magbubunga ng maayos at malusog na bayan.
Mabuhay ang Talavera!

Official Website Talavera Municipality