
National Peace Consciousness Month
Ang Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pangunguna ng ating Punong Bayan Mayor JR Santos at Pangalawang Punong Bayan Vice Mayor Nerivi S. Martinez ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month na may tema: “Ang Kapayapaan ay Responsibilidad ng Bawat Mamamayan”. Ang kapayapaan ay mahalaga. Ito ang nagbibigay kaligtasan at kapanatagan sa ating buhay.
Responsibilidad nating lahat ang pag-aalaga ng kapayapaan. Ito ay nagsisimula sa pagmamahalan at pag-respeto sa isa’t isa. Dapat pantay-pantay ang pagtrato sa lahat.
Magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Hindi lamang para sa atin, kundi para sa buong bansa. maging inspirasyon tayo sa pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa pagtutulungan para sa kapayapaan.
#NPCM2023
#MayorJRSantos
#SerbisyongDiretsoSaTao
#NSM #SerbisyongNERIVI