Skip to main content

National Pension Payout (Cluster 7,8,9)

June 11, 2024 – 506 sa ating mga Senior Citizens National Pensioners mula sa mga Barangay ng Bantug, Dinarayat, La-Torre,Mamandil, Pinagpanaan, San Miguel na Munti, Bagong Sikat, Baluga, Homestead I, Homestead II, Minabuyok, Pula, Bugtong na Buli, Dimasalang Norte, Dimasalang Sur, Paludpod at San Ricardo ang tumanggap ng kanilang Social Pension sa pangunguna ng DSWD katuwang ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez. Dumalo sa pamamahagi sina Mayor JR Santos kasama sina Konsehal Joel Del Rosario at TWD Board of Director Atong Palilio. Hangad po ng pamunuan ng ating Bayan na patuloy na itaguyod ang pag tulong sa ating mga Talaveraños, higit sa atin pong mga senior citizens.
#SOCPEN
#MayorJRSantos
#VMNeriviSantosMartinez
#TatakJRVi
#LingapAtMalasakit

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality