Skip to main content

National Teacher Month 2023

Ang Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pangunguna ng ating Punong Bayan Mayor JR Santos at Pangalawang Punong Bayan Vice Mayor Nerivi S. Martinez ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month 2023 na may tema: “Together4Teachers”. Tayo ay nagkakaisa upang patuloy na suportahan at bigyang-halaga ang mga guro. Sila ang nagbubukas ng mga pintuan ng kaalaman para sa ating mga kabataan at nagiging inspirasyon sa pag-unlad ng ating bayan. Sa kabila ng mga hamon at pagsubok, patuloy silang nagtuturo, nagmumulat ng mga isipan, at nagbibigay-daan para sa mas magandang kinabukasan.
Mga guro, mahal namin kayo at nagpapasalamat kami sa inyong walang sawang serbisyo. Sa pangunguna ninyo, tayo ay magtutulungan para sa mas magandang edukasyon at kinabukasan para sa lahat. ❤
#NationalTeachersMonth2023
#MayorJRSantos
#SerbisyongDiretsoSaTao
#NSM #SerbisyongNERIVI

Official Website Talavera Municipality