Skip to main content

Mnc Talavera – Operation Timbang Plus sa Brgy. Sampaloc

Noong ika 21-22 ng Pebrero nagsagawa ng Operation Timbang Plus sa Barangay Sampaloc.
Ang taunang pagsasagawa ng Operation Timbang Plus ay pinangunahan ng Municipal Nutrition Office.
Katuwang sa pagsasagawa ng programa ang mga masisipag at magagaling na Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers.
Ang layunin ng programa ay magabayan ng Municipal Nutrition Office ang mga barangay sa pagkuha ng timbang, height at MUAC. Ang mga batang may edad na 0-59 months ang target ng programa.
Ang pagsasagawa ng Municipal Nutrition Office sa programa ay tatagal ng ika-16 ng marso taong 2023. Sapagkat nais namin ang 53 barangays sa bayan ng Talavera ay masiguradong magagabayan para makuha ng tama ang timbang, height at MUAC ng mga bata.
Ang programang ito ay naisagawa sa suporta at pakikiisa Nina Mayor Nerito Santos Jr , Vice Mayor Nerivi Santos Martinez , at barangay Nutrition Committee upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng Lingap at Malasakit sa mga mamamayan ng bayan ng Talavera .
« of 2 »
Official Website Talavera Municipality