
Nueva Ecija Rice Distribution Day 1
Sa ikatlong pagkakataon, muling nagpamahagi ng bigas ang Pamahalaang Panlalawigan sa bawat kabahayan ng Talavera sa pamamagitan ng Nueva Ecija Rice Distribution na programa ni Gov. Oyie Umali. Ngayong unang araw ay ibinaba ito sa Brgy. Mabuhay.
Personal na naghatid ng bigas sa ating mga kababayan sina Vice Gov. Doc Anthony Umali, Bokal Lher De Guzman, Kon. Joel Del Rosario, at SAMAKABA Pres. Rafael “Ape” Reyes.
Ang Bayan ng Talavera sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos Martinez ay taos puso pong nagpapasalamat sa inyong handog. Maraming salamat po sa tuloy tuloy na suporta sa ating mga kababayan.
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#AlagangUMALI