Skip to main content

Nueva Ecija TV 48 – Guro mula sa Talavera nag Pamigay ng Milktea

GURO MULA SA TALAVERA, NAGPAMIGAY NG MILKTEA SA ARAW NG EXAM NG KANYANG MGA MAG-AARAL
Nagpamigay ng ‘milk tea’ bilang pang-“goodluck” sa kanyang mga estudyante ang guro mula sa San Ricardo National High School sa Talavera, Nueva Ecija.
Ayon sa uploader at guro na si Teacher Jerick Gabuat Isidro, naisipan niyang bigyan ng milktea ang mga mag-aaral dahil mababait umano ang mga ito at nais niyang ganahan ang mga bata sa kanilang First Quarter Examination.
Dagdag pa ni Teacher Jerick, sa loob ng mahigit pitong taon niyang pagsisilbi bilang guro, ay madalas pa rin siyang mayroong pakulo sa kanyang mga mag-aaral upang magkaroon ang mga ito ng inspirasyon sa kanilang pag-aaral.
Courtesy: Jerick Gabuat Isidro

Official Website Talavera Municipality