Operation TAAL

Maraming maraming salamat sa inyong pagtugon upang makatulong sa mga nasalanta sa pagsabog ng Bulkang Taal. Dahil sa inyong kabutihang loob at malasakit na ibinahagi para sa kanila, ang mga donasyon na ating nakalap ay nakapaghandog ng ngiti sa bawat isa.

Ito po ay paunang tulong pa lang ng Bayan ng Talavera sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos Martinez kasama ang mga bayan ng Rizal, Nueva Ecija sa pamumuno ni Mayor Trina Andres at Mayor Carla Galvez-Tan katuwang ang Bayan ng San Ildefonso Bulacan. Kasama niyo po kami na Tutulong, Aagapay, Aaksyon at Lilingap sa pamamagitan ng munti naming tulong at handog na donasyon.

Maraming marami pong salamat sa lahat ng naging parte ng pagtulong! Sama sama tayong maghatid ng panalangin at patuloy na sumuporta para sa tuluyang pagbangon ng bawat pamilyang nasalanta.

Song by: Still One
Title: Babangon ang Batangas
Music by: https://youtu.be/Epjc1Cd1bVo


#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 - 1316

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!