Skip to main content

Oplan Undas 2023 – Mga Ipinagbabawal sa Sementeryo

Upang gunitain ang Undas ng mapayapa at maayos ngayong taon, binibigyang paalala ang publiko sa ilang mga bawal dalhin o gawin sa loob ng mga Sementeryo sa Bayan ng Talavera.
MGA IPINAGBABAWAL SA SEMENTERYO:
– Mga matutulis o matatalim na bagay kagaya ng kutsilyo, itak, ice pick, gunting at iba pa.
– Karaoke, stereo o anumang bagay o instrumentong pagmumulan ng ingay sa loob ng sementeryo
– Mga bagay na ginagamit pang-sugal gaya ng baraha, dice, bingo at iba pa
– Mga flammable substance kagaya ng gas, diesel, kerosene at iba pang likido na pwedeng pagsimulan ng sunog o pagsabog
– Mga armas tulad ng baril, balisong, night stick at iba pa
– Alak beer at mga alcoholic beverages o anumang nakalalasing na inumin
– Mga iligal na droga o ipinagbabawal na gamot
– Public Display of Affection (PDA)
Panatilihin ang kahinahunan at paggalang sa mga yumaong mahal sa buhay. Salamat sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan.
#Undas2023
#MayorJRSantos
#SerbisyongDiretsoSaTao
#NagbibigaySerbisyoAtMalasakit
#JRVI

Official Website Talavera Municipality