P6-M NA PLASTIC RECYCLING FACILITY, SINIMULAN NA ANG OPERASYON

Sinimulan na ang operasyon ng anim na milyong piso na plastic recycling facility ng pamahalaang bayan sa ecological solid waste management park nito sa Barangay Bagong Silang, Talavera, Nueva Ecija nitong Lunes.

Sinaksihan ng mga opisyales ng bayan sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos-Martinez ang paglikha ng unang silya o school chair mula sa plastic sa pamamagitan ng recycling machine.

Paliwanag ni Martinez, sa pamamagitan ng pasilidad ay magagawa ang silya, paso at iba pang magagamit na bagay ang mga plastic na nalilikom sa kanilang material recovery facility.

Alinsunod rin aniya ito sa kanilang zero waste campaign.

Ayon kay Martinez, tinatayang sampung porsiyento ng sampung toneladang basura na nakukulekta sa araw-araw ay plastik.

Ang mga residual waste naman ay dinadala sa Metro Clark.

Ipinakita ni Martinez na mula sa dating mabaho at malangaw na open dumpsite ay maayos at walang mabahong amoy na pasilidad.

May kabuuang anim na ektarya ito idineklarang solid waste management park at gagawing bukas para sa mga estudyante

https://youtu.be/-xXlq0G4a2I

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!