Skip to main content

Pagbibigay Sa Libreng Salamin Sa Mata


Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng lingap at malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Talavera para sa ating mga kababayan. Isa sa programa ng pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos Martinez at Lnb President JR Santos ang pagbibigay ng libreng salamin sa mata ng ating mga kababayan upang mabigyan sila ng kaginhawaan at matugunan ang kanilang kalusugan. Dumalo sa programa sina Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Nel Rayo at SAMAKABA Pres. Konsehal Rafael “Ape” Reyes.

Official Website Talavera Municipality