
Pagbisita sa Pamilihang Bayan | September 1, 2023
Tuloy-tuloy ang pagpapagawa ng mga proyektong pang-imprastraktura ng Pamahalaang Bayan sa iba’t ibang barangay at lugar ng Talavera.
Binisita ngayong araw ni Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez sa ating Public Market upang matiyak na nasa oras ang pagtatapos ng mga gawaing pang-imprastraktura at maayos ang pagkakagawa ng mga ito. Ilan sa mga pagawaing ito ay ang isinasagawang rehabilitation/development ng Multi-Purpose Building at ang mga pinakabit na mga ceiling fan para mas mapaginhawa ang kalagayan ng ating mga tindero at mamimili.
Kasamang nag-inspeksyon sa mga proyektong pambayan sina Kon. Rai-Rai Villanueva, Kon. Ape Reyes, at Ginoong Atong Palilio.
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi