Pagpupugay sa mga Iskolar

Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera ang ikatlong linggo ng selebrasyon sa ika-117 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service na may temang Tu sa Ha aaa, alasai i aai. Ito ay pinangunahan ng Nueva Ecija University of Science and Technology-Municipal Government of Talavera (NEUST-MGT) nitong ika-18 ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Ayon kay Municipal Administrator, Nerito L. Santos, naipakikita ang tunay na malasakit kung itinuturing na pag-aari ng bawat isa ang Bayan ng Talavera. Sa pamamagitan nito, maipahahayag ng isang indibidwal ang pagpapahalaga at pagkalinga sa bayan. Kinilala ni Admin Nerito Santos ang mga iskolar na patuloy na nagmamahal sa unibersidad maging sa Bayan ng Talavera na nagpapakita ng tunay na malasakit sa pamamagitan ng mga parangal na kanilang nakakamit mula sa ia’ ia larangan.

Binigyang pugay din ni Mayor Nerivi Santos Martinez ang mga iskolar. Ayon sa kanya, hindi nasayang ang mga ibinibigay ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera na nakalaan para sa mga mag-aaral. Dahil sa nakikitang pagsisikap ng mga iskolar, nagbubunga ng mabuti ang mga programa ng pamahalaan sa edukasyon. Binigyang diin ni Mayor Nerivi ang kahalagahan ng suporta at pagsisikap ng mga guro sa pangunguna ni NEUST-MGT School Administrator Aurora J. Mangalili na nagsisilbing inspirasyon sa pamahalaan upang patuloy na maghandog ng mga programa at proyekto sa mga kabataan.

Malaking bagay ang pagpupursigi ng mga kabataan hindi lamang sa ekstrakurikular na aktibidad kung hindi pati na rin sa larangang pang-akademiko. Tiniyak ni Mayor Nerivi ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Talavera sa mga iskolar upang sila ay makapagtapos sa kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan nito, maitataas ang antas ng lipunan at makakamit ang dekalidad na edukasyon para sa kanila.

Ang programa ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ay para sa mga mag-aaral na patuloy na nagsisikap at nangangarap ng magandang kinabukasan upang makatulong sa kanilang pamilya. Ang Lokal na Pamahalaan ng Talavera ay katuwang ng bawat isang iskolar sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng edukasyon at iba pang mga programa na makatutulong para sa mga kabataan.

(MALR)

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality