
Palarong Bayan 2023
Naging masaya at matagumpay ang pagbubukas ng Palarong Bayan 2023 sa Pangunguna ni Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez, at Municipal Admin. Nerito L. Santos at ng Municipal Youth Development Office sa pangunguna ni Allan Reyes.
Kasabay din nito ay idinaos ang Binibining Palarong Bayan 2023 na nagbigay ng dagdag ningning sa programa. Ilan sa ating mga naimbitahang panauhin upang maging hurado ay sina Anthony Divino, Xien Sicat Malaca, Princess Yauco, Hana Tique, Evangeline Cayanga – Cuevas, Jun Leonardo, Brando Bautista. Si Bb. Francine Valdez ng Barangay Maestrang Kikay ang tinanghal bilang Binibining Palarong Bayan 2023, habang si Bb. Reinalyn Gaatmaitan ng Barangay (Poblacion Sur) ang nagkamit ng 1st runner-up at Bb.Regine Inoveno ng Barangay Dimasalang Norte naman ang nagkamit ng 2nd runner-up.
Kasama rin dumalo sa programa sina LnB President Roniel Serrano, SK President Ericka Arenas-Mendoza, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Aries Lim, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Ape Reyes, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Erwin Chioco.
Puno ng kasiyahan ang lahat ng lumahok at sumuporta mula sa bawat Barangay ng ating bayan. Sa inyo pong lahat marami pong salamat sa mainit na pagsuporta. 

Mabuhay ang bawat Talaveraño!