Skip to main content

Paleng – QR PH Plus, Inilunsad sa Talavera

Matagumpay na inilunsad sa ating Talavera Public Market ang Paleng-QR PH Plus kasabay ng pagpapasinaya sa ating bagong bagsakan ng gulay ngayong araw ng Biyernes, ika-24 ng Nobyembre 2023.
Dinaluhan ito ni Mayor JR Santos kasama ang punong tagapangasiwa ng Talavera Public Market at Business Permits and Licensing Officer na si Gng. Rosemarie Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Rai-Rai Villanueva at Konsehal Rafael “Ape” Reyes, DTI-Provincial Director Dr. Richard V. Simangan, BSP Representative at Bank Officer V Rodora Teresa R. Openiano, GCash Representative Manuel Quinto, GCash Trainer Zhaz Lagdamen, Maya Philippines Representative Ian Divina Gracia at Palawan Representative, Market Vendors Association Representative, Transport Association Representative, Consumer Group Mr. Mario Custodio, President CAC – Talavera Lalaine G. Basa at Brgy. Dimasalang Norte Kapt. Virgilio Tayao.
Layunin ng Paleng-QR Ph Plus program na palakasin ang digital payment ecosystem ng bansa. Sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang makabagong programang ito ay gumagamit ng mga kakayahan ng QR technology na nag-aalok ng cost-effective, maginhawa, secure, at contactless na paraan ng pagbili upang hikayatin ang mga cashless na transaksyon at mapahusay ang financial inclusion .
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality