Skip to main content

Pangkabuhayan Program (Sari-Sari Store)

Bilang bahagi ng “Serbisyong Diretso sa Tao Program” ni Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Pito (7) sa ating mga kababayang Talaveraños na pawang mga magulang ng Child Laborer ang napagkalooban ng pangkabuhayan program (Sari-sari Store Vending) sa ginanap na Kick-off Ceremony ng ika-90th na Anibersaryo ng DOLE.
Kasabay din nito ay ginanap ang pamamahagi ng cheke para sa ating unang batch na sampung (10) benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Dumalo sa programa bilang kinatawan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez sina Konsehal Rai Rai Villanueva at Konsehal Baby Palilio at sina DOLE Provincial Director Maylene Evangelista, Tesda Provincial Director Alvin Y. Ytorralde, Provincial PESO Manager Maria Luisa R. Pangilinan at Talavera OIC PESO Manager Kevin Y. Tolentino.
#SerbisyongDiretsoSaTao
#MayorJRSantos
#JRVi

Official Website Talavera Municipality