
#PaskoNaSantako
#PaskoNaSantaKo! Hinihingi po namin ang inyong pakikiisa sa aming programang OFFICE DECOR MO, SHOW-OFF NATIN ‘TO, kung saan ang bawat tanggapan sa Pamalaang Bayan ng Talavera ay nag-ayos at naghanda ng simpleng disenyo ng kani-kanilang opisina para sa darating na Kapaskuhan. Layon nitong ipadama ang pag-asa at ipabatid ang tunay na diwa ng Pasko sa kabila ng pandemya.
Suportahan po natin ang larawan ng mga opisina sa pamamagitan ng pag-react ng HEART.
Maraming salamat po at Maligayang Pasko!