Skip to main content

Paskuhan sa Talavera 2023

Isang masaya at masaganang pasko ang ating ipinagdiwang sa napakakulay na Christmas Lighting Ceremony ngayong gabi ng Biyernes, ika-8 ng Disyembre sa Bayan ng Talavera.
Naging parte ng programa ang pagbibigay kasiyahan ng iba’t ibang grupo ng mga performers mula sa ating bayan tulad ni Eully the Magician ng Nueva Ecija Magician Ventriloquist Clown Society. Nakiindak at nakiawit naman ang bawa’t Talaveraños sa ating mga magagaling na miyembro at mag-aaral ng NEUST-MGT Dance Troupe, Sibul National High School, Bulac National High School, Talavera National High School, San Ricardo National High School, Tabacao National High School at San Isidro De Talavera Shrine Chorale.
Tampok din sa programa ang napakakulay at napakagandang Fireworks Display, Libreng bibingka, cotton candy, french fries at lugaw, Magic Show, at ang pagbubukas ng ating Christmas Bazaar at Food Arcade.
Kasama ang ating mga minamahal na Talaveraños, Pinangunahan nina Mayor JR Santos at VM Nerivi S. Martinez ang pagpapailaw kasama sina Municipal Administrator Nerito L. Santos, Konsehal Aries Lim, Konsehal Baby Palilio, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Ape Reyes, Konsehal Erwin Chioco, ABC President Roniel Serrano, Brgy. Dimasalang Norte Kapt. Virgilio Tayao, Brgy. Dinarayat Kapt. Ryan Arellano at iba pang mga kapitan at miyembro ng Sangguniang Barangay ng Talavera.
Ang kasiyahan at pag-asa na nadama ng bawat isa ay nagbigay liwanag sa ating mga puso, nagdudulot ng init sa gitna ng malamig na simoy ng hangin. Nawa’y manatili ang pagkakaisa at saya sa ating puso habang tayo’y nagdiriwang ng kapaskuhan.
Merry Christmas sa aming mga minamahal na Talaveraños!
#JRVIPaskuhanSaTalavera
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#NSM #SerbisyongNERIVI
#JRVi

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality