Skip to main content

Philippine Arbor Day 2024

Ngayong araw ng Lunes, ika-24 ng Hunyo 2024, idinaos ang Flag Raising Ceremony sa Materials Recovery Facility (MRF) sa Barangay Bagong Silang, Talavera na pinangungunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office para sa ika-apat na linggo ng Hunyo 2024.
Kasabay nito ay isinagawa din ang sama-samang nagtanim ng mga puno sa Materials Recovery Facility (MRF) bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Arbor Day ang ating mga lingkod bayan mula sa Lokal na Pamahalaan kasama sina Vice Mayor Nerivi Santos Martinez, Municipal Admin Nerito L. Santos, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Erwin Chioco, SK Pres. Amir Ayson at ang ating mga National Agencies (BJMP, PNP, BFP).
Ang pagkakaisang ito ay nagpapahayag ng patuloy na paglingap at pagmamalasakit ng taong-bayan at Lokal na Pamahalaan para sa ating kalikasan. Ito rin ay patunay ng magagandang hakbang ng pamahalaan at ng bawat komunidad upang mapangalagaan ang ating kalikasan at maisulong ang importansya ng pagtatanim ng puno sa kapaligiran.
#PhilippineArborDay2024
#MayorJRSantos #VMNeriviSantosMartinez
#SerbisyongMayMalasakitNaDiretsoSaTao
#TatakJRVi #LingapAtMalasakit

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality