
Pinakamaringal na Pamilihang Bayan 2023
Sa ika-apat na pagkakataon, itinanghal ang Bayan ng Talavera na Hall of Famer bilang Pinakamaringal na Pamilihang Bayan sa buong lalawigan. Ang karangalan ay mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office at Nueva Ecija Consumer Affairs Advocacy Association, Inc kasabay ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month.
Bilang kinatawan nina Mayor JR Santos at VM Nerivi Santos Martinez, tinanggap nina Konsehal Rai Rai Villanueva at Konsehal Ape Reyes ang parangal kasama si BPLO Rosemarie Reyes. Ang pagkilala ay patunay ng kaayusan at kalinisan ng ating pamilihang bayan. Sinisiguro rin nito na natutugunan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga nagtitinda, mga mamimili, at ng bawat mamamayan.
Congratulations, Talavera!