
Pre-Budget Preparation Forum by 2023
Bilang paghahanda sa susunod na taon, ang Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pangunguna ng Municipal Budget Office, kasama ang lahat ng Department Head ng bawat opisina ng pamahalaan ay nagsagawa ng tatlong araw na Pre-Budget Preparation Forum para sa Budget Year 2023. Ito ay ginanap sa Camp John Hay Trade and Cultural Center, Baguio City.
Nakatuon ang gawain sa mga alituntunin sa paggawa ng budget maging sa paghahanda ng kani-kanilang mga panukala na sumasalamin sa mandato at mga prayoridad ng kanilang mga opisina.
Nakiisa sa forum sina Mayor Nerivi Santos-Martinez, LNB Pres. JR Santos, Kon. Lito Silva, Kon. Nel Rayo, Kon. Rafael “Ape” Reyes at Admin Nerito L. Santos.