
Provincial and Regional Awarding of Best Gulayan sa Barangay
Dahil sa mahusay at maayos na pagpapatupad ng Gulayan Program, itinanghal na Best Gulayan sa Barangay ang Barangay Dimasalang Norte sa isinagawang Provincial and Regional Awarding of Best Gulayan sa Barangay ng Department of Agriculture Regional Field Office III. Sa ilalim ng Regional Category, kinilala rin ang barangay bilang Best in Gulayan sa Barangay Household Replications at Best in Gulayan sa Barangay Audio Visual Presentation.
Kasama ni Mayor Nerivi Santos Martinez, nagsilbing panauhin sina USec. Evelyn Lavina, Regional Executive Director Crispulo Bautista Jr., Regional HVCDP Focal Person Engr. AB David, at RTD for Research, Regulatory, ILD and Admin and Finance Dr. Arthur Dayrit.
Congratulations sa Barangay Dimasalang Norte sa pangunguna ni Kap. Virgilio Tayao kasama ang pamunuan ng barangay council!
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#GulayanSaBarangay
#Champion