Skip to main content

Proyekto ng Pamahalaan para sa Brgy. Dimasalang Sur at Dimasalang Norte

Isang mahalagang proyekto ang binisita ni Mayor Nerivi S. Matinez kasama sina LnB President JR Santos at SAMAKABA Pres. Konsehal Rafael “Ape” Reyes ang pagpapa semento ng kalsada na nagdudugtong sa Brgy. Dimasalang Sur at Brgy. Dimasalang Norte na may Habang habang 1,394 meters at lapad na 7 meters. Ang kanilang kalsada na magsisilbing pangunahing daan ng ating mga kababayan upang mas mabilis at mas maging komportable ang biyahe ng mga motorista ganon din ang ating mga magsasaka na nagbibiyahe ng kanilang gulay.
Dahil dito, mas lumuwag at umaliwalas ang kahabaan ng daan. Higit ding naging maayos ang lugar na lubos na ipinagpasalamat nina Kapitan Ronald Del Rosario at Kapitan Virgilio Tayao sampu ng kanilang sangguniang barangay.
Mabuhay po kayo!
#NSM
#SerbisyongNERIVI
#LingapABC

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality