
Rice Tarrification Forum
Nagsagawa ng isang forum ang Bureau of Communications Services tungkol sa Rice Tariffication Law. Kasama sa tinalakay ang pagpapatupad ng nasabing batas at ang posibleng epekto nito sa ating mga magsasaka. Kasabay nito ay ang paglulunsad sa Travelling Photo Exhibit sa munisipyo tampok ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa Rice Tariffication na nakatakdang umikot sa iba’t ibang lokalidad ng Nueva Ecija.