
Road Safety Awareness Program | October 4, 2023
Naging matagumpay ang isinagawang “Road Safety Awareness Program” sa Talavera Municipal Gym na pinangunahan ng Land Transportation Office (LTO) Region 3 katuwang ang LGU Talavera sa pangunguna nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez at ang ating Business Permits and Licensing Office sa pangunguna ni Ma’am Rosemarie Reyes.
Layunin ng programa na mas mapaigting ang kaligtasan at pagsulong ng tama at responsableng pagmamaneho na maaaring magdulot ng kabawasan ng bilang ng Road Accidents sa ating mga kalsada.
Kasabay din nito ay ginanap ang pamamahagi ng Voucher Card na nagbibigay ng libreng Theoretical Driving Course.
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi
#NSM