
Rotary Club of Talavera Sustainable Feeding Program at Central School
Patuloy ang pagsasagawa ng programang “ROTARY CLUB OF TALAVERA SUSTAINABLE FEEDING PROGRAM AT CENTRAL SCHOOL OF TALAVERA – SPED” sa pangunguna ni President Jamie San Pedro. Dinaluhan ito nina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez kasama sina Konsehal Rafael Ape Reyes at Ginoong Atong Palilio na ginanap sa Talavera Central School. Ito ay para sa mga batang may kapansanan at nasa Special Education (SPED) program. Sa pamamagitan ng masustansyang pagkain, naglalayon ang programa na ito na makapagbigay ng tamang sustansya at enerhiya sa mga batang may kapansanan upang matulungan silang magpatuloy sa kanilang pag-unlad at pagkakaroon ng mas magandang kalidad ng buhay.