Skip to main content

SAGANA Music Festival 2024

Isang napakasayang SAGANA MUSIC FESTIVAL 2024 ang ipinagdiwang ng mga Talaveraños na idinaos sa New Government Center, Dinarayat, Talavera bilang bahagi pa din ng selebrasyon ng Linggo ng Magsasaka.
Sa pangunguna nina Mayor JR Santos at VM Nerivi Martinez, ang mga dumalo sa nasabing pagtitipon ay masayang naki-jam sa mga tampok na artists na kanilang inabangan tulad ng Dream7, Yayoi & Company, Queen Money, Beks Friends, Agsunta, Rob Deniel, at ang crowd’s favorite na Ben&Ben!
Umulan man o umaraw, ay hindi nagpatinag ang mga Talaveraños sa pag-awit kasama ang kanilang favorite artists. Kabilang din sa pagdiriwang ang pamimigay ng iba’t ibang exciting prizes!
Naroon din sa nasabing okasyon sina Atty. JP Padiernos, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Baby Palilio, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Rafael “Ape” Reyes,Konsehal Lito Silva, Konsehal Erwin Chioco, LnB Pres. Kapitan Ben Tiangco, LnB Vice Pres. Kapitan Virgilio Tayao, SK Pres. Amir Ayson, Tabacao SK Chairman Alliah Garingo, TWD BOD Atong Palilio, Municipal Admin Nerito L. Santos at Mr&Mrs. Brando/Joan Bautista.
Happy Fiesta Talavera!
See you again sa Sagana Music Festival2025!

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality